Dalawa na ang patay sa pananalasa ng Typhoon Noru sa Japan.
Nasa dalawanlibong katao na ang nagsilikas dahil sa posibleng flash floods at landslides sa Kagoshima prefecture.
Simula pa kagabi ay naputol na ang supply ng kuryente sa naturang lalawigan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa isandaan dalawampu’t anim na kilometro kada oras at pagbugso na isandaan walumpung kilometro kada oras.
Samantala, nakahanda na rin ang mga otoridad at residente ng iba pang lalawigan sa Kyushu, Honshu at Shikoku islands sa inaasahang paghagupit ng bagyo, ngayong araw.