Tiniyak ng Department of Health o DOH na hindi malulugi ang mga pribadong hospital sa oras na maipatupad ang batas na magpapaigting sa ipinatutupad na Anti-Hospital Deposit Act.
Kasunod ito ng nilagdaang naturang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital na tumatanggi sa mga pasyenteng walang pang-deposito.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, nakasaad sa bagong bersyon ng batas na tinatanggal lamang nito ang pagbabayad ng deposito para sa mga pasyente na nasa emergency cases o kinakailangan ng ‘immediate care.”
Aniya, wala namang sinabi sa batas na hindi pagbabayarin ang pasyente o ang pamilya nila.
By Arianne Palma