Maglalaan ng sampung (10) milyong dolyar na scholarship ang Canada para sa kanilang development program sa 10 bansa ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations kabilang ang Pilipinas.
Ayon kay Canada Foreign Minister Chrystia Freeland, target ng naturang programa ang mga mid-career professionals, partikular ang mga babae upang lumawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsugpo ng kahirapan.
Bukod dito, nagpahayag din ng suporta si Freeland sa international rules-based order, women empowerment at pagsugpo sa climate change at terorismo.
Sa huli, humiling si Freeland na makasali rin ang Canada sa East Asia Summit at ASEAN Defense Ministers Meeting Plus.
By Arianne Palma