Paghihiganti ang tinututukang anggulo ng pulisya sa posibleng motibo ng pagpaslang kay Pasay City Councilor Borbie Rivera noong Sabado ng gabi.
Ito ay ayon kay Southern Police District Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., ang kanilang nakikitang pinakamabigat na dahilan sa krimen bukod pa sa anggulong pulitika at negosyo.
Paliwanag ni Apolinario, nagsimula ang mga pagbabanta sa buhay ni Rivera matapos makalaya at mabasura ang kasong murder at possession of fire arms na isinampa laban dito.
Sinabi rin ni Apolinario na kanyang pinasisilip sa kanilang binuong special investigation team ang pinagmulan ng pag-aaway sa grupo ni Rivera at ng nagsampa ng kaso laban dito.
“Lahat ng attempt sa buhay ng biktima ay nangyari pagkatapos na siya ay ma-release sa pagkakakkulong, kaya yan po ang tinitingnan na anggulo, nag-create na po kami ng special investigation team, Las Piñas Police together with Pasay and Makati, titignan yung pinagmulan ng away nung dalawnag grupo.” Pahayag ni Apolinario
By Krista de Dios | Ratsada Balita Interview