Nanindigan ang AFP o Armed Forces of the Philippines na sapat pa ang kanilang puwersang humaharap sa mga teroristang Maute sa Marawi City.
ito’y ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año kaya’t pinigilan nito ang pagpapadala ng isang batalyong sundalo sa lungsod bilang karagdagang puwersa.
Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, bumubuti na ang sitwasyon sa lungsod ayon kay Año kaya’t hindi na kailangan pang magpadala ng dagdag na tauhan ang militar.
Ngunit sa kabila nito, ikinadismaya naman ng mga sundalo ang hindi pagkakatuloy ng deployment sa kanila dahil sabik pa naman ang mga ito na sumabak sa bakbakan.