Nararapat lamang na imbestigahan ng Malacañang ang naging pagbubunyag ni Ginang Patricia Paz Bautista hinggil sa umano’y tagong yaman ng kanyang mister na si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito ang maikling pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella makaraang kumpirmahin nito na nagkaroon nga ng pribadong pakikipagpulong sa Malacañang si Pangulong Duterte ngunit hindi batid kung ang mag-asawang Bautista nga ang kausap nito.
Kasunod nito, tumanggi rin si Abella na magkomento hinggil sa paglutang ng usapin laban sa poll chief na posibleng may kinalaman sa pulitika ngunit tiniyak nito na hindi kukunsintihin ng Pangulo ang anumang katiwalian sa pamahalaan kung mayroon man.
Gayunman, nilinaw ng Palasyo na hindi maaaring sibakin basta-basta sa puwesto si Bautista bilang pinuno ng poll body maliban na lamang kung mayroong maghahain ng impeachment laban sa kanya sa Kongreso.
By Jaymark Dagala | (Ulat ni Aileen Taliping)