Tuluyan nang ipinagpaliban ang Barangay at SK Elections sa Oktubre.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, napagkasunduan ng mga Kongresista kahapon na idaos na lamang ang Barangay at SK elections sa Mayo 2018, kasabay ng plebisito para sa charter change at panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Idinagdag pa ni Fariñas na kung hindi pa handa ang mga hakbang pagsapit ng Mayo, posibleng muling maantala ang naturang halalan.
Maliban dito, mananatili sa puwesto ang mga barangay official sa bisa ng hold over capacity, sa halip na magtalaga ng mga opisyal.
By Meann Tanbio