Magpupulong ang Department of Budget and Management, Senate Committee on Finance at House Appropriations Committee bukas, Agosto 9.
Ito ay para pag-usapan ang IRR o Implementing Rules and Regulations hinggil sa bagong batas para sa Free Tuition sa State Universities and Colleges.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na wala pa silang tantiya kung magkano ang kailangang budget para sa universal access to quality tertiary education act na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
Siniguro rin ni Diokno na magkakaroon ng sapat na budget ang free higher education act kahit wala pang nakalaang pondo para rito sa proposed 2018 national budget.