Lalarga na ang 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon, ngayong araw.
Unang sasabak sa elimination rounds sa Group C ang Kazakhstan, Lebanon, South Korea at New Zealand habang magbabakbakan sa Group D ang Japan, Hong Kong, Chinese Taipei at Australia, mamaya.
Maghaharap naman sa Group B ang Pilipinas, China, Iraq at Qatar, habang magsasagupaan sa Group A ang Iran, India, Syria at Jordan, bukas.
Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas at China; sa Biyernes naman makakaharap ng Philippine National Basketball Team ang Iraq at Qatar sa linggo.
Itinuturing naman na “David and Goliath” ang bakbakan ng Pilipinas at China lalo’t karamihan ng player ng Chinese team ay bigman kabilang ang apat na seven-footer.
By Drew Nacino