Muling binantaan ng North Korea ang Amerika kaugnay sa panibago at mas mabigat na economic sanctions laban sa NoKor.
Ayon sa NoKor, ipagpapatuloy nila ang kanilang nuclear weapons program maging ang mga missile test bilang bahagi ng pagtatanggol sa kanilang bansa.
Isa umanong paglabag sa kanilang soberanya ang ipinataw na sanctions at handa rin silang rumesponde sa anumang banta ng Amerika o kahit ng mga kaalyado nitong bansa.
Iginiit din ng NoKor na ang Estados Unidos ang tunay na dahilan ng pagsiklab ng nuclear crisis sa Korean Peninsula.
By Drew Nacino