Pansamantalang ititigil ng DA o Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga karne mula sa Brazil.
Ito ay matapos na matuklasang nagtataglay ng salmonella ang labing walong o pitong porsyento ng 246 ng mga containers mula sa nasabing bansa.
Ayon kay Bureau of Animal Industry Director Simeon Amurao, agad nilang kinumpiska ang mga kontaminadong karne at tiniyak na walang nakarating sa mga pamilihan.
Dagdag ni Amura, kaniya na ring ipinag-utos na idaan sa mandatory inspection ang lahat ng karneng magmumula sa Brazil.
By Krista de Dios