Handang sumailalim sa lifestyle check ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista sa gitna ng akusasyon ng asawang si Patricia na mayroon umano siyang tagong yaman na aabot sa Isang Bilyong Piso.
Ito ang tugon ni Chairman Bautista sa panawagan ni Senador Grace Poe na kalkalin ang pamumuhay ng lahat ng COMELEC Official.
Itinanggi naman ni Bautista ang alegasyon ng misis at nanindigang lehitimo ang kanyang sources of income bilang isang international lawyer na nag-trabaho sa New York City at Hong Kong bago pumasok sa gobyerno.
Bukod sa dating Presidente ng Shangri La Philippines, inihayag ng COMELEC Chairman na may mga investment silang tatlong magkapatid sa ilang negosyo.
Samantala, handa naman si Bautista na mag-leave sa trabaho habang gumugulong ang imbestigasyon sa kanya umanong tagong-yaman.