Magiging mas mahigpit na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa panghuhuli ng mga kolorum at nangongontrata na taxi sa mga terminal sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Sa inilabas na Joint Administrative Order No. 2014-01 ng LTFRB at MIAA o Manila International Airport Authority, papatawan ng P5,000 multa ang maniningil ng sobra sa mga pasahero at P120,000 naman sa mga kolorum na taxi.
Nasa 400unit ng taxi ang nahuhuli na nag-o-overcharge kada buwan habang dalawa naman sa mga kolorum.
Paalala ng MIAA sa mga pasahero iwasang makipag-usap sa mga “solicitor” o yung mga nag-aalok ng sakay paglabas ng terminal.
Hinikayat din nila ang publiko na isumbong ang sinumang aabuso sa pamamagitan ng text o email.
By Arianne Palma