Umaasa ang Gilas Pilipinas na uubra ang kanilang game plan kontra China sa kanilang paghaharap mamayang gabi sa pagsisimula ng FIBA Asia Cup na gaganapin sa Lebanon.
Ayon kay Gilas Head Coach Chot Reyes, kulang ang koponan ngayon sa matatangkad na player dahil sa pagkawala nina Junemar Fajardo at naturalized player Andray Blatche.
Dahil dito, sinabi ni Reyes na kanilang paiigtingin ang outside shooting kung saan magiging sentro sa diskarte si Terrence Romeo at Jayson Castro.
Maliban dito, magiging katuwang din nina Romeo at Castro sa outside shooting sina Matthew Wright, RR Pogoy at Gabe Norwood.
Ang pagtutuos sa pagitan ng China at Pilipinas ay magaganap mamayang alas-6:30 ng gabi.
By Ralph Obina