Pinawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order ni dating Pangulong Noynoy Aquino na lumilikha sa Negros Island noong 2015.
Nangangahulugang muling maghihiwalay ang Negros Occidental sa Negros Oriental.
Dito ay babalik na sa ilalim ng Region 6 ang Negros Occidental habang balik naman sa Region 7 ang Negros Oriental.
Nakasaad sa nilagdaang Executive Order Number 38 ni Pangulong Duterte na ang lahat ng mga apektadong empleyado ay babalik na sa dati nilang unit of deployment o di kaya ay marere-assiagn ang mga ito sa ibang tanggapan.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Local Government na pamunuan ang pangangasiwa sa pagbabalik ng Negros Occidental at Oriental sa kani-kanilang mga rehiyon.
Simula sa Oktubre ay epektibo na ang pagbuwag sa Negros Island.
By Ralph Obina