Naniniwala ang isang ka-lookalike ni Pangulong Noynoy Aquino na mas gumanda ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Venancio Medina, isang sapatero sa Dagupan City, kapansin-pansin naman ang mga proyekto ni Aquino gaya ng farm-to-market roads at iba pa.
Subalit giit naman ni Geronimo Martinez, isang tricycle driver, mapagtanim ng galit sa mga kritiko ang Pangulo at hindi marunong magpatawad.
By Jelbert Perdez