Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng 6 na buwang suspensyon si Caluya, Antique Mayor Genevieve Lim-Reyes.
ito’y matapos mapatunayang guilty si Reyes dahil sa illegal demolition sa 5 ektaryang coconut farmland sa sitio Poocan, Barangay Tinogboc noong Pebrero.
Isinagawa umano ang nabanggit na clearing operation upang bigyang daan ang housing project para i-relocate ang mga residente mula sitio Sabang patungong sitio Poocan.
Iginiit ng Ombudsman na nabigo si Reyes na magprisinta ng anumang aplikasyon mula sa Philippine Coconut Authority dahil sa pagpuputol ng puno ng niyog o land conversion.