Magdo-donate ang Philippine Chamber of Commerce and Industry o P.C.C.I. ng 20 high-tech scanners na makatutulong sa kampanya kontra iligal na droga.
Ito ang inihayag ni President George Barcelon sa 2017 Sulong Pilipinas kung saan guest speaker si Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinaya sa Isang Milyong Dolyar ang halaga ng mga nasabing aparato na inaasahang darating sa bansa sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan.
Gayunman, hindi pinangalanan ni Barcelon kung sinu-sino ang mga donor ng scanner.