Ipinagmalaki ng DSWD o Department of Social Welfare and Development na halos 30,000 pamilya na kabilang ang pamilya ng indigenous people ang natulungan ng pamahalaan sa ilalim ng programang DSWD-ONSE sa buong Region 11.
Ayon kay Florema Espada tagapagsalita ng DSWD-ONSE at focal person ng 4P’s o Pantawid Pamilya Pilipino Program, umabot na sa mahigit 800 milyong piso ang nailabas na pondo ng DSWD-ONSE simula noong nakaraang taon hanggang sa ngayong Agosto.
Kaugnay nito, magsasagawa ng kumustahan ang DSWD sa huling quarter ng taong ito upang malaman kung may mga benipisyaryo pa ba na kinakailangan ng tanggalin sa programa o kaya ay may reklamo silang natanggap na ang isang benipisyaryo ay may nilabag sa alintuntunin ng 4P’s program.
Nasimulan ang programa noon pang 2008 hanggang sa ipinagpatuloy ito ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga mahihirap na mga Pilipino.
By Meann Tanbio