Nangangamba na ang mga residente ng Guam sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Amerika at North Korea lalo sa plano ng NoKor na maglunsad ng pag-atake sa nabanggit na US territory.
Natatakot na rin ang ibang lahi gaya ng libu-libong Filipino na naninirahan o nagtatrabaho sa kabisera na Hagatna sa banta ng NoKor na unti-unting nagiging seryoso.
Hinimok naman ni George Charfauros, Homeland Security Adviser ng Guam ang mga residente na maging kalmado pero inabisuhang maghanda sa posibilidad na totohanin ng North Korea ang banta nito.
Ang Guam na bahagi ng Federated State of Micronesia, ang pinakamalapit na US territory sa Pilipinas.
Samantala, binalaan naman ni US Secretary of Defense Jim Mattis ang North Korea na iwasan ang mga aksyon na maaaring maging mitsa ng pagbagsak ng rehimen ni Kim Jong-Un at pagka-ubos ng mga mamamayan nito.
By Drew Nacino