Umatras na si Top Seed Andy Murray sa Cincinnati ATP Open na magsisimula na sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa iniinda pa rin nitong hip injury.
Sinabi ni Murray na kinakailangan niyang magpahinga at magpagaling nang husto upang makalaro aniya siya sa US Open na magsisimula naman sa Agosto 28.
Matatandaang huling naglaro si Murray sa Wimbledon Quarterfinals noong Hulyo matapos itong matalo kay Sam Querrey.
By Ralph Obina