Ipinaaaresto na ng Sandiganbayan si Senador Gringo Honasan.
Ito ay kaugnay ng umano’y maanumalyang paggamit ni Honasan sa P30-M Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Ayon sa Sandiganbayan, nakitaan ng Korte ng sapat na basehan para isailalim sa paglilitis at ipaaresto si Honasan.
Si Honasan ay may kinakaharap na dalawang bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng PDAF para pondohan ang mga proyekto ng National Council of Muslim Filipinos.