Hindi makumpirma ng Malacañang kung ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagpupulong ang NSC o National Security Council.
Ito’y sa harap ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Amerika at North Korea kasunod ng banta nito na magpapakawala ng missile na tutumbok sa Guam.
Gayunman, binigyang diin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na naglatag na ang pamahalaan ng mga contingency measures para sa mga Pilipinong nagtatrabaho o naninirahan sa Guam sakaling ituloy ng NoKor ang kanilang banta.
Magugunitang naging paksa sa katatapos pa lamang ng ASEAN Foreign Ministers Meeting ang ginagawang missile test ni North Korean leader Kim Jung Un na anila’y maituturing na banta sa rehiyon ng Asya at Pasipiko.
By Jaymark Dagala | (Ulat ni Aileen Taliping)