Patuloy ang pamamayagpag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa #BosesNiJuan presidential survey ng DWIZ.
Sa pinakahuling tally, nangunguna pa rin si Duterte na mayroon nang mahigit sa 26 na porsyentong boto.
Pumapangalawa pa rin si Senador Grace Poe na may mahigit 23 porsyentong boto samantalang napag-iwanan na si Vice President Jejomar Binay sa ikatlong puwesto sa botong 18 porsyento.
Samantala, nasa malayong pang-apat na puwesto na si Senador Miriam Santiago na may mahigit 8 porsyentong boto, pang-lima si Senador Bongbong Marcos sa botong halos 7 porsyento at DILG Secretary Mar Roxas na may nasa 6 na porsyentong boto.
Patuloy namang nangunguna si Senador Grace Poe sa Vice Presidential race sa botong mahigit 38 percent.
Gitgitan naman sa pangalawang puwesto sina Senador Chiz Escudero na may 12.49 percent at Mayor Duterte na may botong 11.37 percent.
By Len Aguirre