Naitala ang mabilis na pagtaas ng kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) sa mga bata sa buong bansa.
Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), 612 kaso ng HFMD ang naitala simula noong Enero 1 hanggang Hulyo 4 ngayong taon.
Ito ay higit na mataas sa 222 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2014.
Naitala ang pinakamaraming kaso ng HFMD sa Cagayan Valley at CALABARZON.
Ang sakit na Hand Foot and Mouth Disease ay isang viral infection kung nilalagnat ang bata, nagkakaroon ng singaw sa bibig at rashes sa mga kamay at paa.
By Rianne Briones