Bahagyang tumaas ang export ng bansa noong Hunyo habang lumiit naman ang import kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas lamang ng 0.8 percent ang total export ng bansa na umabot ng 4.91 bilyong pisong halaga.
Samantalang bumaba naman ang import ng 2.5 percent na may halaga na aabot sa higit pitong bilyong piso.
Ang export ng electronic products ang pangunahing kalakal ng Pilipinas ay tumaas ng 4.4 percent noong Hunyo o may halagang aabot sa higit dalawang bilyong piso.
By Rianne Briones