Nagulat ang mga dumalo sa 15th Anniversary ng Yes Magazine sa Crowne Plaza Hotel kagabi.
Ito ay matapos na makitang lumuhod ang TV host na si Willie Revillame sa kanyang dating boss na si ABC-CBN President Charo Santos Concio.
Ayon kay Mam Charo, may ibinubulong lamang sa kanya si Willie na ilang bagay.
Nilinaw pa ni Mam Charo na maayos na sila ni Willie sa katunayan ay matagal na silang nag-uusap nito.
Biniro pa ni umano ni Ms. Charo si Willie dahil napapabalitang mawawala na ang show nito sa Kapuso Network ngunit isang malungkot na mukha ang tugon dito ni Willie na tila pagkumpirma sa balita.
Hindi naman daw nila napag-usapan kung may plano itong bumalik sa Kapamilya Network.
Matatandaang naging mapait ang paghihiwalay ni Willie at ng ABS-CBN dahil sa TV show na Wowowee kung saan humantong pa sa demandahan.
By Rianne Briones