Pinayuhan si Bureau of Customs (BOC) Commisioner Nicanor Faeldon ng kanyang doktor na magpahinga muna ng tatlo araw bago muling bumalik sa tungkulin.
Ito ay ayon kay House Sergeant at Arms Ronald Detabali matapos na magpunta sa Manila East Medical Center kahapon upang dalawin si Faeldon alinsunod sa utos ng Committee on Ways and Means.
Ani Detabali, stable na ang kalagayan ni Faeldon at pinayagan na rin aniyang makalabas ng ospital kahapon.
Gayunman, hindi pa aniya ito makakabalik sa trabaho at kailangan pang magpahinga hanggang sa Lunes.