Pumalo na sa halos tatlong bilyong piso ang kabuuang gastos ng pamahalaan sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Sa pagtaya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, P1.3-M na ang nagastos ng Philippine Army habang hindi pa matiyak ang eksaktong gastos ng Philippine Marines at Philippine Air Force.
Ayon kay Lorenzana, kanilang ginamit sa Marawi Crisis ang pondong nakalaan sana para sa mga gamit ng sundalo tulad ng mga bala, bullet proof vest, night vision goggles at iba pa.
Dahil dito kanilang hihilingin sa Kongreso na palitan ang mga perang kanilang nagamit sa Marawi City para sa pondo ng iba pa nilang naapektuhang proyekto.