Natanggap na ng Sandiganbayan ang return of warrant ni Senador Gringo Honasan mula sa Branch 25 ng Laguna Regional Trial Court (RTC) sa Biñan City matapos na makapagpiyansa umaga ng Biyernes.
Nakasaad sa nasabing return of warrant na inaresto ngayong araw si Honasan at dinala sa Korte kung saan ito naglagak ng piyansang P60,000.00 sa two counts ng kasong graft.
Ipinaalam rin sa return of warrant na naproseso na ng Laguna RTC ang pagbabayad ng piyansa ni Honasan kung saan isinama ang kopya ng resibo nito.