Umaasa ang pamahalaan na malalagdaan na sa lalong madaling panahon ang pagkakaroon ng bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng Israel.
Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial, ito ay upang mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mahigit sa 20,000 caregiver, na nagtatrabaho sa Israel.
Sinabi ni Imperial na kasama sa mga napag-usapan, ay ang pagtatanggal ng mediation fee ng mga pribadong recruitment agencies, para mabawasan ang kinakailangang bayaran ng mga OFW doon.
By Katrina Valle | Allan Francisco