Inilampaso ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Iraq sa pagpapatuloy ng FIBA Asia Cup na ginaganap sa Lebanon.
Pinataob ng Gilas ang Iraq sa iskor na 84-68.
Nanguna sa panalo ng Gilas si Terrence Romeo na kumana ng 17 puntos habang nakasikwat naman ng 16 na puntos ni Filipino-German Center Christian Stanhardinger.
Dahil dito, dalawang panalo na ang hawak ng Pilipinas makaraang talunin sa unang laro ang China.
By Ralph Obina