Bagama’t nagpakita ng bangis ang Philippine National Women’s Volleyball, hindi naman sila umubra sa lakas at height advantage ng Kazakhstan.
Sina Ace Hitter Katerina Tatko at Yekatarina Zhdanova ang nanguna sa panalo ng mga Kazakhs laban sa mga Pinay sa tatlong set sa 19th SMM Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa Alonte Sports Arena sa Laguna.
Dahil sa panalo, umakyat na ang record ng Kazakhstan sa 2-0 win-loss record habang nalugmok naman ang Pilipinas sa unang pagkatalo sa dalawang laro.
Unang nakalamang ang women’s team sa tulong nina Alyssa Valdez, Jaja Santiago at Ces Molina sa unang set pero nakahabol ang mga kalaban.
Haharap naman ang Kazakhstan sa Vietnam bukas habang ang mga Pinay naman ay makikipagtuos sa South Korea sa quarterfinals classification round.
By Jelbert Perdez