Wala pang pangangailangan para sa paglikas ng mga Pinoy sa Guam.
Ito ay sa harap ng bantang pag-atake ng North Korea sa naturang teritoryo ng Estados Unidos.
Ayon kay Philippine Consul General Marciano Borja, walang indikasyon ng panic o pangamba mula sa mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa naturang lugar.
Hindi kasi aniya ito ang unang pagkakataon na nagbanta ang North Korea na aatakihin ang Guam.
Maliban dito, sinabi ni Borja na tiwala ang mga Pinoy sa Guam na kayang harangin o tapatan ng Amerika ang mga missile ng Nokor.
By Ralph Obina