Maulap na panahon ang aasahan sa Mindanao dahil muling umiiral ang Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ.
Magiging pinakamaulan sa Central Mindanao lalo na sa Cotabato at Davao.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan ang iiral sa hilagang Luzon at mula sa hilagang silangan hanggang silangan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
Wala namang namataang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Asahan pa rin ang thunderstorms o biglaang pag-ulan sa buong bansa lalo na sa bandang hapon o gabi.
By Mariboy Ysibido