Malayang makapaglalayag sa South China Sea ang kahit na anong navy o merchant ship dahil sa umiiral na freedom of navigation.
Ito ang naging reaksyon ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa ginawang paglalayag ng USS John Mccain sa bahagi ng South China Sea.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, walang masama sa paglayag ng barkong pandigma ng Amerika hangga’t wala itong ginagawang paglabag sa international law.
Matatandaang kailan lamang ay inalmahan ng China ang ginawang ito ng barko ng Estados Unidos at sinabing isa itong uri ng pang – uudyok ng giyera.