Muli umanong lalaro para sa Gilas Pilipinas ang beteranong si Asi Taulava sa nalalapit na 2015 FIBA Asia Championship.
Ito’y matapos kumpirmahin ni NLEX Team Manager Ronald Dulatre na nakatanggap ng imbitasyon ang 41-anyos na veteran center para sumali sa paghahanda ng Gilas sa Asian Tournament.
Ang naturang torneo na gaganapin sa China ngayong taon ay magsisilbing Olympic qualifier sa FIBA World.
Kung matutuloy, hindi lamang pinakamatandang manlalaro sa PBA si Taulava kundi’y ito rin ang pinaka-senior member ng Philippine National Men’s Basketball team sa FIBA Asia.
By Jelbert Perdez