Hawak na ni Ozamiz City Police Chief/Inspector Jovie Espenido ang mga pangalan at impormasyon ng 10 mga pulis na umano’y protector ng Pamilya Parojinog.
Ito ang inamin ni Espenido bagama’t hindi aniya niya maaaring isapubliko ang mga pangalan ng mga ito.
Ayon kay Espenido, ilan sa mga naturang mga pulis ang aktibo pa sa serbisyo habang ang iba ay matagal nang nasibak sa tungkulin.
Dagdag pa ni Espenido na malaking tulong ang 2 milyong pabuya na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagkakadakip ng mga nasabing pulis na protektor ng mga Parojinog.