Patay ang apat na hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Quezon City kaninang madaling araw.
Ayon kay Police Supt. Robert Sales ng Quezon City Police Station 1, rumesponde lamang sila mula sa natanggap na impormasyong may apat na mga armadong kalalakihan ang namataan sa Barangay Balingasa.
Nang makarating aniya sa naturang lugar ang mga rumespondeng pulis ay agad silang pinaputukan ng mga salarin dahilan kaya gumanti sila ng putok at mapatay ang apat na lalaki.
Nakuha naman sa mga salarin ang dalawang kalibre 45 mga baril, isang kalibre 38, isang 9 millimeter at talong sachet ng mga hinihinalang shabu.