Nakikita na ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magbibitiw sa pwesto si COMELEC Chairman Andres Bautista oras na i- impeach ito ng House of Representatives.
Ayon kay Panelo, sa tingin niyay hindi magpapasailalim sa impeachment trial si Bautista dahil maaapektuhan pa ang pamilya nito.
Batay sa proseso, kapag na-impeach na ng Kamara ang isang opisyal dadalhin ang kaso nito sa Senado para isalang sa paglilitis.
Una nang sinabi ni Chairman Bautista na handa siyang magbitiw sa pwesto kung makakaapekto na sa COMELEC ang kinahaharap niyang isyu.