Nilinaw ng Office of the Ombudsman na wala pa itong natatanggap na dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC hinggil sa bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Taliwas ito sa pahayag sa DWIZ ni Senador Antonio Trillanes IV na noon pang isang taon isinumite ng AMLC sa Ombudsman ang naturang dokumento na magpapatunay na may tago umanong yaman ang Pangulo.
Ayon sa Ombudsman, wala silang natatanggap na formal report mula AMLC kaugnay sa pagbubunyag ni Trillanes.
Ipinaliwanag ng Tanod Bayan na ang hirit ni Trillanes na silipin ang mga bank account ni Pangulong Duterte ay isinasailalim pa sa imbestigasyon ng Office of the Deputy Ombudsman for Mindanao.
By Drew Nacino