Nanganganib na malugi ang mga mag-iitik sa Candaba, Pampanga kasunod ng idineklarang bird flu outbreak.
Ayon kay Candaba Duck Raisers and Farmers Multipurpose Cooperative Chair Benedicta Baylon, milyon – milyong piso ang nawalang kita matapos na mag-back out ang kanilang mga buyer.
Aabot naman sa dalawang milyong itlog ang inaasahang mabubulok dahil sa ipinatutupad na quarantine.
Ang iba aniya ay ginagawa na lamang na itlog na maalat ang mga natirang itlog para maaaring maulam at makabawas sa kanilang pagkalugi.
Higit 100 mga manggagawa din aniya ang siyang nanganganib na mawalan ng hanap-buhay dahil sa pagkalugi.
Nilinaw ni Baylon na hindi kabilang ang kanilang bayan sa ipinatupad na quarantine at nag negatibo naman sa bird flu ang kanilang mga itik base sa isinagawang test ng Bureau of Animal Industry.
By Rianne Briones