Tiniyak ng Department of Agriculture o DA ang tulong sa mga naapektuhan ng bird flu sa San Luis Pampanga.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, mayroon nang nakahandang calamity assistance para sa mga apektadong mangangalaga ng manok maliban pa sa pautang na may mababang interest.
Sinabi ni Piñol na inaasahang nilang babalik sa normal ang kabuhayan ng magmamanok sa San Luis sa susunod na tatlong buwan.
Samantala, inaasahan naman aniya na hanggang bukas ay malilinis na at ma-di-disinfect ang lahat ng farms sa naturang bayan.
Target ng Department of Agriculture na maibalik sa normal ang operasyon ng mga poultry raisers sa San Luis Pampanga sa loob ng tatlong buwan.
By Len Aguirre