Malabo nang magpatuloy ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army at National Democratic Front.
Ito’y ayon kay Cpp-Npa Founder Jose Maria Sison ay kasunod ng pahayag ni Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi pa tuluyang isinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pintuan para sa pag-uusap.
Ayon kay Sison, mahirap nang makipag-usap ngayon sa Pangulo na aniya’y lasing na sa kapangyarihan kaya’t wala na siyang nakikitang daan para muli pang magpatuloy ang usapan.
Magugunitang ipinatigil mismo ni Pangulong Duterte ang back channel talks sa mga komunista nang tambangan ng mga tauhan ng npa ang convoy ng PSG o Presidential Security Group sa Arakan, North Cotabato noong isang buwan.