Dapat matiyak ng publiko na karapat-dapat at may mataas na kaalamang teknikal ang mga itatalagang tao sa Bureau of Customs (BOC).
Ito’y ayon kay House Ways and Means Committee Chairman at Quirino Representative Dakila Cua kaya’t pinahihigpitan nito sa ADUANA ang criteria sa pagkuha ng mga tauhan.
Giit ng mambabatas, layon nitong maiwasan ang pagpili sa mga taong kulang o walang karanasan sa proseso at iba pang usaping teknikal na kinakailangan sa iba’t ibang posisyon.
Magugunitang nagisa ng husto sa pagdinig ng Kamara ang mga opisyal ng Customs partikular na si Commissioner Nicanor Faeldon dahil sa pagkuha ng mga basketball at volleyball players na inilagay sa intelligence division ng ADUANA.