Ipinasisilip na ni PCOO Martin Andanar ang legal na pananagutan ng mga opisyal ng PNA o Philippine News Agency kaugnay sa pinakahuling aberyang kinasangkutan ng ahensya.
Ipinatawag na ni Andanar ang mga opisyal ng PNA at concerned employees at pinagpaliwanag na ang mga ito sa kanilang pagkakamali.
Ang pinakahuli nga ay maling pagpo post ng logo ng Department of Labor and Employment.
Tatlong empleyado rin ng PNA ang pinadalhan ng show cause orders ni Andanar.
Dahil dito nagpasya si Andanar na lumikha ng PNA Editorial Board na kaniyang pamumunuan habang magsisilbing miyembro sina PNA Chief Virginia Arcilia Agtay, Undersecretary Joel Egco na dating editor at chief of reporter ng Manila Times, PCOO Assistant Secretary Joseph Lawrence Garcia at PNA acting Executive Editor Louie Morente.