Babaguhin ng militar ang kanilang urban warfare training o pagsasanay sa pakikipaglaban sa mga syudad at bayan sa bansa.
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col Edgard Arevalo kapag natapos na ang giyera sa Marawi City ay pag aaralan nila ang mga dapat baguhin sa teorya, doktrina, taktika, teknik at proseso sa kanilang urban warfare training.
Inamin ni Arevalo na hindi nila napaghandaan ang sitwasyong bumulaga sa kanila sa Marawi.
Masyado aniyang matitibay ang mga gusali duon na pinagtataguan ng ma kalaban bagay na hindi nila nasubok sa mga ginawa nilang pagsasanay.
Samantala sinabi naman ni DILG OIC Undersecretary Catalino Cuy na dapat na ring palakasin ang pagsasanay ng PNP Special Action Force sa paglaban sa terorismo.