Nakatakdang maglabas ng “Fatwa” o hatol ang mga Muslim cleric sa Marawi City bilang pagkondena sa nagpapatuloy na paghahasik ng kaguluhan ng grupong ISIS-Maute.
Maglalabas din ng resolusyon ang mga Kleriko o Mufti na kumukondena sa extremismo.
Ang “Fatwa” ay inilalabas alinsunod sa batas ng Islam o Shariah sa pamamagitan ng isang awtorisadong Muslim Religious Leader na tinatawag na Mufti.
Samantala, pinapurihan naman ng militar ang pasya ng mga Islamic Cleric at umaasang magkakaroon ito ng positibong epekto sa pagbawi ng gobyerno sa Marawi City upang ibangon ito mula sa kamay ng mga terorista.
By Drew Nacino