Umakyat na sa halos 200 ang patay sa flashfloods at landslides sa India, Nepal at Bangladesh bunsod ng walang tigil na ulan dulot ng habagat.
Pinakamarami ang naitalang nasawi sa Nepal na tinatayang 80 habang nasa 215,000 katao ang nagsilikas sa Assam at Bihar States, India.
Suspendido naman ang biyahe ng lahat ng tren sa mga naturang lugar dahil lubog sa baha ang mga riles.
Nasa 50,000 kabahayan naman ang lubog sa tubig sa mga mababang lugar sa Southeastern Nepal.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations at humanitarian operations sa mga nabanggit na bansa.
By Drew Nacino