Nagdesisyon pabor kay Taylor Swift ang mga hurado kaugnay sa isinampang kaso ng pop star singer laban sa dating radio host na si David Mueller.
Inakusahan ni Swift si Mueller ng panghihipo sa kanyang puwetan sa isang meet and greet event noong June 2013.
Pinagbabayad si Mueller ng $1 na danyos sa singer.
Pinawalang-sala din ang ina ng singer na si Andrea Swift matapos na sampahan ng kaso ni Mueller dahil sa akusasyong pag-pressure sa kanyang radio network na nagresulta upang siya’y mapatalsik at mapurnada ang nasa $150,000 niyang kontrata sa istasyon.
Matapos ang desisyon ay nagpasalamat si Swift sa mga hurado at sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang laban.
Ani Swift umaasa siyang mabibigyan ng pag-asa ang lahat ng biktima ng anumang klase ng pang-aabuso at mabigyan ng lakas ng loob ang mga ito na lumaban para sa kanilang karapatan.
—AR | DWIZ 882